Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2018

OP # 6 ng Pangapat na Kwarter

Liham Pasasalamat Block 4, Lot 24, Phase 3, Lavanya Subdivision, General Trias, Cavite Ika-02 ng Marso 2028 G. DET A. DANTES CEO/Manager Philippine Cyberspace Sentinel Tanza, Cavite Mahal na G. Dantes:      Ako po si John Raenel T. Cruz na lubos na nagpapasalamat na ako ay inyong tinanggap at kinuha sa inyong kumpanya upang makapagtrabaho. Hindi ko po lubos akalain na ako ang inyong kukunin sa dami-rami ng aplikanteng nag-apply para sa posisyon na iyon. Ako'y handa nang magsimula sa kahit anong oras niyo man gustuhin. Muli ako'y lubos na nagpapasalamat at maaasahan ninyo na malaki ang aking maiaambag sa inyong kumpanya. Lubos na Gumagalang, G. JOHN RAENEL T. CRUZ

OP # 5 ng Pangapat na Kwarter

Kalakip Na Liham Block 4, Lot 24, Phase 3 Lavanya Subdivision, General Trias, Cavite Ika-14 ng Pebrero 2028 G. DET A. DANTES Manager Philippine Cyberspace Sentinel Tanza, Cavite Mahal na G. Dantes:      Ako po si John Raenel  T. Cruz na nais magtrabaho sa inyong kumpanya. Gusto ko pong mag-apply bilang "programmer". Ako po ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Information technology sa Technological University of the Philippines sa Manila taong 2023. Ang pagtatrabaho ay hindi na rin bago sa akin dahil ako ay naging isang working student noong ako'y nag-aaral sa kalehiyo. Makakasiguro kayo na malaki ang aking maiaambag sa inyong kumpanya.     Nakalakip sa liham na ito ang aking resume para sa iba pang pagsusuri. Ako po ay umaasa at handa na para sa kahit ano mang interview.      Salamat sa inyong pagtugon at sa inyong konsiderasyon. Lubos na Gumagalang, G. JOHN RAENEL T. CRUZ

OP # 4 ng Pangapat na Kwarter

Resume Cruz, John Raenel Torres Blk. 4, Lot 24, Phase 3, Lavanya Subd, Gen. Trias, Cavite e-mail: raeneljohnc@gmail.com EDUKASYON                          Institusyon                                                          Tinapos                                         Taon Technological University of the Philippines                 BS Information Technology                      2023          Sa...

OP # 3 ng Pangapat na Kwarter

Imahe
Pictorial Essay      Ang pagsali ko sa "club" o grupo na ito ay hindi ko inaakalang madaragdagan ang bilang ng aking mga kaibigan. Isa rin to sa dahilan kung bakit tumibay ang aming samahan nila Kertz, Christian at Jan Lloyd. Kahit magkakaiba kami ng seksyon kinabibilangan sa paaralan.      Sa pagpasok ko sa paaralan ng San Agustin ay nakilala ko ang matatalik kong kaibigan. Silang tatlo ang lagi kong maaasahan na aking maging karamay kapag ako'y may dinaramdam at kung ako'y may problema, handa silang tumulong para sa akin.

OP # 2 ng Pangapat na Kwarter

Imahe
Lakbay Sanaysay      Noong Oktubre ng 2017 ay napagpasyahan ng aming pamilya na magbakasyon sa lungsod ng Baguio dahil "semestral break" naman namin noong mga panahon na iyon. noong una ay inakala kong hindi ako magiging masaya sa bakasyon na ito dahil ilang beses na akong nagpabalik-balik sa Baguio ngunit nagkamali ako.      Maraming Lugar ang napuntahan namin sa Baguio tulad ng Camp John Hay, The Mansion at higit sa lahat, ang Diplomat Hotel. Sikat ang hotel na iyon dahil sa mga kababalaghang nagaganap doon. hindi lang doon natapos ang paggagala namin. Bago kami umalis ay kumain muna kami sa isang sikat na kainan doon kasama ang aming ilang kamag-anak.      Doon ko napagtanto na kahit ilang beses mang ulit-ulitin puntahan ang isang lugar o pook basta't magkakasama kayo ng mga iyong mahal sa buhay, mananatiling masaya ang inyong paglalakbay.

OP # 1 ng Pangapat na Kwarter

Replektibong Sanaysay: Natatanging Karanasan Bilang Isang Mag-aaral.      Sa nagdaang labingapat na taon na ako'y nag-aaral, simula "nursery" hanggang ngayon ay maraming kakaibang karanasan ang aking naranasan. May masasayang karanasan, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon. Hindi lahat ng tao ay naranasang maging isang mag-aaral kaya nama'y ibabahagi ko ang ilan sa aking mga karansan habang ako'y nag-aaral.      Naalala ko pa noong ako'y nasa elementarya, ako'y tampuhan ng kutsa. Hindi talaga maiiwasan ang mga ganitong karanasan habang ako'y nagaaral kaya ang payo ko sa mga nakakaranas ng diskriminasyon sa paaralan ay dedmahin na lamang ang mga ito at ipagpatuloy na lng ang kanilang dapat gawin. Dahil magiging sagabal lamang sila sa iyong pag-aaral kung papatol ka sa kanila.      Noong ako'y nakatungtong na sa sekondarya, mas marami pa akong naranasan, dahil dito nagsimula ang aking pagkamulat sa mga nangyayari sa ak...

OP # 7 ng Pangatlong Kwarter

Imahe
Posisyong Papel      Noong nakaraang taon lamang ay nagkaroon ng isang insidente kung saan nagkaengkwentro ang mga mangingisda ng Vietnam at Philippine Navy. Sang ayon ako sa ginawang aksyon ni pangulong Rodrigo Duterte sa mga mangingisda ng Vietnam. Pinauwi niya ang mga ito at pinauwian pa ng mga pagkain para sa kanilang mga pamilya. Nagsalita ang Vietnamese Ambassador tungkol dito at sinabi na ang aksyon ni Pangulong Duterte ay maghahatid ng ligaya sa kani-kanilang pamilya. "Habang buhay nilang maaalala ang magandang pagtanggap na ipinakita ng Pilipinas sa kanila", tugon ng pangulo.

OP # 6 ng Pangatlong Kwarter

Talumpati (Spoken Poetry)     

OP#5 ng Pangatlong Kwarter

Bionote      Si John Raenel Cruz ay nagmula sa General Trias, Cavite, siya ay nagtapos ng elementarya sa Patnubay Academy sa Noveleta, Cavite. Pagdating ng hayskul, siya ay nagtapos ng ika-10 baitang sa Unida Nehemiah Christian Academy sa Noveleta, Cavite. Siya ay lumipat sa Saint Augustine School upang makapagtapos ng hayskul. Noong Agusto taong 2017 ay lumaban siya sa "Division of School Press Conference" at nanalo sila sa ika-10 na pwesto.      Kasalukuyang nag-aaral siya sa Saint Augustine School upang makapagtapos ng hayskul.

OP # 4 ng Pangatlong Kwarter

Sintesis No. 2: Kronolohikal      Ang paaralang San Agustin sa Tanza o mas kilala bilang "SAS" (Saint Augustine School) ay itinatag noong ika-14 ng Pebrero tang 1969 sa pamumuno ni Mansignor Francisco V. Domingo na kasalukuyang pari ng parokya ng simbahan noong panahon na iyon. Nagmula ang pangalan ng paaralan sa pangalan ng patron ng bayan na si San Agustin o mas kilala bilang si Tata Usteng.      Ang paaralan ay nangangakong makapagbigay ng magandang kalidad ng edukasyon at magandang moral sa mga mag-aaral. Pormal na nagbukas ang paaralan noong Hunyo taong 1969 at nagsimula lamang sila magturo sa kinder at ika-1 baitang. Ang naging unang punong-guro ng paaralan ay si Sr. Angeles Gabutina na  nagsilbi ng dalawang buwan at pinalitan ni Sr. Clemencia Ranin.      Makalipas ang isang taon, natapos na ang unang gusali na matatagpuan malapit sa simbahan. Noong 1972 nama'y natapos na rin ang gusali para sa hayskul at ...

OP # 3 ng Pangatlong Kwarter

OP # 2 ng Pangatlong Kwarter

Impormatibong Abstrak: Malnutrisyon na lumalaganap sa Pilipinas base sa Iba't Ibang Pag-aaral      Ang paksa ng pag-aaral na ito ay nakasentro sa paglaganap ng malnutrisyon sa buong mundo partikulae na sa mga mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas. Tinututukan nito ang mga sanhi ng pagkalat ng malnutrisyon at paano ito bibigyan ng solusyon. Layunin ng awtor na magbigay kaalaman tungkol sa tamang pangapangalaga ng kanilang kalusugan at pigilan ang pagkakaroon ng malnutrisyon.      Sa ibang pag-aaral, napagalaman nia na isa sa mga malaking dahilan ng malnutrisyon sa ibang bansa ay ang kahirapan. Sa panahon ngayon ay marami ng mga taong naghihirap sa kani-kanilang pamumuhay tulad ng mga "informal-settlers" na kadalasang isang beses na lamang kumakain sa isang buong araw kaya namn ay hindi na nakakapagtaka na kalat na kalat na ang malnutrisyin sa ating bansa. Ang kadalasan nilang ginagawa upang makakain ay namumulot na lamang ng mga tira-tirang ...

OP # 01 ng Pangatlong Kwarter

Pagsulat      Ano nga ba ang pasulat? Bakit ba nalilikha ang mga ito? Para saan ba ito at ano ba ang silbi ng pagsulat? Ito ang gusto kong sagutin sa sanaysay na ito. Ang pagsulat ay isang paraan upang maipahayag ang emosyon ng manunulat, magbigay kasagutan sa mga tanong, o hindi kaya ay magbigay impormasyon sa mga mambabasa. Ngunit saan nga ba nakukuha ng manunulat ang nilalaman ng mga ito.      Lahat ng pagsulat ay laging nakabase sa personal na pananaw, interest, at opinion ng manunulat. Ngunit lahat ng impormasyon ay dapat may kaugnayan sa paksa ng iyong sulatin. Kinakailangan ng mabusising pananaliksik sa pagsasagawa ng isang sulatin upang masiguradong makatotohanan ang mga detalye at ideya sa iyong sulatin. Kailangan siguraduhing walang "bias" sa iyong sulatin at dapat mong siguraduhin na hindi puro pansariling opinyon ang mga nakasulat dito.       Kaya kung ikaw ay gagawa ng isang sulatin, kailangan mong ...