OP # 5 ng Pangapat na Kwarter
Kalakip Na Liham
Block 4, Lot 24, Phase 3 Lavanya
Subdivision, General Trias, Cavite
Ika-14 ng Pebrero 2028
G. DET A. DANTES
Manager
Philippine Cyberspace Sentinel
Tanza, Cavite
Mahal na G. Dantes:
Ako po si John Raenel T. Cruz na nais magtrabaho sa inyong kumpanya. Gusto ko pong mag-apply bilang "programmer". Ako po ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Information technology sa Technological University of the Philippines sa Manila taong 2023. Ang pagtatrabaho ay hindi na rin bago sa akin dahil ako ay naging isang working student noong ako'y nag-aaral sa kalehiyo. Makakasiguro kayo na malaki ang aking maiaambag sa inyong kumpanya.
Nakalakip sa liham na ito ang aking resume para sa iba pang pagsusuri. Ako po ay umaasa at handa na para sa kahit ano mang interview.
Salamat sa inyong pagtugon at sa inyong konsiderasyon.
Lubos na Gumagalang,
G. JOHN RAENEL T. CRUZ
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento