OP # 2 ng Pangapat na Kwarter
Lakbay Sanaysay
Noong Oktubre ng 2017 ay napagpasyahan ng aming pamilya na magbakasyon sa lungsod ng Baguio dahil "semestral break" naman namin noong mga panahon na iyon. noong una ay inakala kong hindi ako magiging masaya sa bakasyon na ito dahil ilang beses na akong nagpabalik-balik sa Baguio ngunit nagkamali ako.
Maraming Lugar ang napuntahan namin sa Baguio tulad ng Camp John Hay, The Mansion at higit sa lahat, ang Diplomat Hotel. Sikat ang hotel na iyon dahil sa mga kababalaghang nagaganap doon. hindi lang doon natapos ang paggagala namin. Bago kami umalis ay kumain muna kami sa isang sikat na kainan doon kasama ang aming ilang kamag-anak.
Doon ko napagtanto na kahit ilang beses mang ulit-ulitin puntahan ang isang lugar o pook basta't magkakasama kayo ng mga iyong mahal sa buhay, mananatiling masaya ang inyong paglalakbay.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento