OP # 1 ng Pangapat na Kwarter
Replektibong Sanaysay: Natatanging Karanasan Bilang Isang Mag-aaral.
Sa nagdaang labingapat na taon na ako'y nag-aaral, simula "nursery" hanggang ngayon ay maraming kakaibang karanasan ang aking naranasan. May masasayang karanasan, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon. Hindi lahat ng tao ay naranasang maging isang mag-aaral kaya nama'y ibabahagi ko ang ilan sa aking mga karansan habang ako'y nag-aaral.
Naalala ko pa noong ako'y nasa elementarya, ako'y tampuhan ng kutsa. Hindi talaga maiiwasan ang mga ganitong karanasan habang ako'y nagaaral kaya ang payo ko sa mga nakakaranas ng diskriminasyon sa paaralan ay dedmahin na lamang ang mga ito at ipagpatuloy na lng ang kanilang dapat gawin. Dahil magiging sagabal lamang sila sa iyong pag-aaral kung papatol ka sa kanila.
Noong ako'y nakatungtong na sa sekondarya, mas marami pa akong naranasan, dahil dito nagsimula ang aking pagkamulat sa mga nangyayari sa aking paligid. Napabarkada ako kaya nama'y aking napabayaan ang aking pag-aaral. Hindi ko na naranasang manguna sa klase o mapasama sa listahan ng mga "Achievers" dahil nga sa barkada.
Ang aking mapapayo sa mga kabataan ngayon ay sana mas pagtuunan nila ng pansin ang kanilang pag-aaral kaysa sa pansarili nilang interes o wisyo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento