OP # 4 ng Pangatlong Kwarter
Sintesis No. 2: Kronolohikal
Ang paaralang San Agustin sa Tanza o mas kilala bilang "SAS" (Saint Augustine School) ay itinatag noong ika-14 ng Pebrero tang 1969 sa pamumuno ni Mansignor Francisco V. Domingo na kasalukuyang pari ng parokya ng simbahan noong panahon na iyon. Nagmula ang pangalan ng paaralan sa pangalan ng patron ng bayan na si San Agustin o mas kilala bilang si Tata Usteng.
Ang paaralan ay nangangakong makapagbigay ng magandang kalidad ng edukasyon at magandang moral sa mga mag-aaral. Pormal na nagbukas ang paaralan noong Hunyo taong 1969 at nagsimula lamang sila magturo sa kinder at ika-1 baitang. Ang naging unang punong-guro ng paaralan ay si Sr. Angeles Gabutina na nagsilbi ng dalawang buwan at pinalitan ni Sr. Clemencia Ranin.
Makalipas ang isang taon, natapos na ang unang gusali na matatagpuan malapit sa simbahan. Noong 1972 nama'y natapos na rin ang gusali para sa hayskul at naitayo na rin ang "basketball court" pagkatapos.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento