OP # 01 ng Pangatlong Kwarter

Pagsulat

     Ano nga ba ang pasulat? Bakit ba nalilikha ang mga ito? Para saan ba ito at ano ba ang silbi ng pagsulat? Ito ang gusto kong sagutin sa sanaysay na ito. Ang pagsulat ay isang paraan upang maipahayag ang emosyon ng manunulat, magbigay kasagutan sa mga tanong, o hindi kaya ay magbigay impormasyon sa mga mambabasa. Ngunit saan nga ba nakukuha ng manunulat ang nilalaman ng mga ito.

     Lahat ng pagsulat ay laging nakabase sa personal na pananaw, interest, at opinion ng manunulat. Ngunit lahat ng impormasyon ay dapat may kaugnayan sa paksa ng iyong sulatin. Kinakailangan ng mabusising pananaliksik sa pagsasagawa ng isang sulatin upang masiguradong makatotohanan ang mga detalye at ideya sa iyong sulatin. Kailangan siguraduhing walang "bias" sa iyong sulatin at dapat mong siguraduhin na hindi puro pansariling opinyon ang mga nakasulat dito. 

     Kaya kung ikaw ay gagawa ng isang sulatin, kailangan mong sumunod sa mga proseso upang maging maayos ang mga impormasyon a nakalap mo. Kinakailangan ring isaalang-alang ang iyong mga mambabasa sa iyong sulatin sa pamamagitan nito, mas madali mong maipaparating ang mga impormasyon na gusto mong sabihin sa iyong target na mambabasa.

Mga Komento