OP # 2 ng Pangatlong Kwarter
Impormatibong Abstrak: Malnutrisyon na lumalaganap sa Pilipinas base sa Iba't Ibang Pag-aaral
Ang paksa ng pag-aaral na ito ay nakasentro sa paglaganap ng malnutrisyon sa buong mundo partikulae na sa mga mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas. Tinututukan nito ang mga sanhi ng pagkalat ng malnutrisyon at paano ito bibigyan ng solusyon. Layunin ng awtor na magbigay kaalaman tungkol sa tamang pangapangalaga ng kanilang kalusugan at pigilan ang pagkakaroon ng malnutrisyon.
Sa ibang pag-aaral, napagalaman nia na isa sa mga malaking dahilan ng malnutrisyon sa ibang bansa ay ang kahirapan. Sa panahon ngayon ay marami ng mga taong naghihirap sa kani-kanilang pamumuhay tulad ng mga "informal-settlers" na kadalasang isang beses na lamang kumakain sa isang buong araw kaya namn ay hindi na nakakapagtaka na kalat na kalat na ang malnutrisyin sa ating bansa. Ang kadalasan nilang ginagawa upang makakain ay namumulot na lamang ng mga tira-tirang pagkain sa kalsada para lamang makasalba sa gutom.
Sa kabila ng mga problemang kinakaharap natin ngayon, hindi na nabibigyang pansin ang isyu tungkol sa malnutrisyon kaya nama'y nagpursigi ang mga awtor na gawin ang pag-aaral na ito upang sa gayon ay mabigyang aksyon ang di matapos tapos na isyu na malnutrisyon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento