Mga Post

OP # 6 ng Pangapat na Kwarter

Liham Pasasalamat Block 4, Lot 24, Phase 3, Lavanya Subdivision, General Trias, Cavite Ika-02 ng Marso 2028 G. DET A. DANTES CEO/Manager Philippine Cyberspace Sentinel Tanza, Cavite Mahal na G. Dantes:      Ako po si John Raenel T. Cruz na lubos na nagpapasalamat na ako ay inyong tinanggap at kinuha sa inyong kumpanya upang makapagtrabaho. Hindi ko po lubos akalain na ako ang inyong kukunin sa dami-rami ng aplikanteng nag-apply para sa posisyon na iyon. Ako'y handa nang magsimula sa kahit anong oras niyo man gustuhin. Muli ako'y lubos na nagpapasalamat at maaasahan ninyo na malaki ang aking maiaambag sa inyong kumpanya. Lubos na Gumagalang, G. JOHN RAENEL T. CRUZ

OP # 5 ng Pangapat na Kwarter

Kalakip Na Liham Block 4, Lot 24, Phase 3 Lavanya Subdivision, General Trias, Cavite Ika-14 ng Pebrero 2028 G. DET A. DANTES Manager Philippine Cyberspace Sentinel Tanza, Cavite Mahal na G. Dantes:      Ako po si John Raenel  T. Cruz na nais magtrabaho sa inyong kumpanya. Gusto ko pong mag-apply bilang "programmer". Ako po ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Information technology sa Technological University of the Philippines sa Manila taong 2023. Ang pagtatrabaho ay hindi na rin bago sa akin dahil ako ay naging isang working student noong ako'y nag-aaral sa kalehiyo. Makakasiguro kayo na malaki ang aking maiaambag sa inyong kumpanya.     Nakalakip sa liham na ito ang aking resume para sa iba pang pagsusuri. Ako po ay umaasa at handa na para sa kahit ano mang interview.      Salamat sa inyong pagtugon at sa inyong konsiderasyon. Lubos na Gumagalang, G. JOHN RAENEL T. CRUZ

OP # 4 ng Pangapat na Kwarter

Resume Cruz, John Raenel Torres Blk. 4, Lot 24, Phase 3, Lavanya Subd, Gen. Trias, Cavite e-mail: raeneljohnc@gmail.com EDUKASYON                          Institusyon                                                          Tinapos                                         Taon Technological University of the Philippines                 BS Information Technology                      2023          Sa...

OP # 3 ng Pangapat na Kwarter

Imahe
Pictorial Essay      Ang pagsali ko sa "club" o grupo na ito ay hindi ko inaakalang madaragdagan ang bilang ng aking mga kaibigan. Isa rin to sa dahilan kung bakit tumibay ang aming samahan nila Kertz, Christian at Jan Lloyd. Kahit magkakaiba kami ng seksyon kinabibilangan sa paaralan.      Sa pagpasok ko sa paaralan ng San Agustin ay nakilala ko ang matatalik kong kaibigan. Silang tatlo ang lagi kong maaasahan na aking maging karamay kapag ako'y may dinaramdam at kung ako'y may problema, handa silang tumulong para sa akin.

OP # 2 ng Pangapat na Kwarter

Imahe
Lakbay Sanaysay      Noong Oktubre ng 2017 ay napagpasyahan ng aming pamilya na magbakasyon sa lungsod ng Baguio dahil "semestral break" naman namin noong mga panahon na iyon. noong una ay inakala kong hindi ako magiging masaya sa bakasyon na ito dahil ilang beses na akong nagpabalik-balik sa Baguio ngunit nagkamali ako.      Maraming Lugar ang napuntahan namin sa Baguio tulad ng Camp John Hay, The Mansion at higit sa lahat, ang Diplomat Hotel. Sikat ang hotel na iyon dahil sa mga kababalaghang nagaganap doon. hindi lang doon natapos ang paggagala namin. Bago kami umalis ay kumain muna kami sa isang sikat na kainan doon kasama ang aming ilang kamag-anak.      Doon ko napagtanto na kahit ilang beses mang ulit-ulitin puntahan ang isang lugar o pook basta't magkakasama kayo ng mga iyong mahal sa buhay, mananatiling masaya ang inyong paglalakbay.

OP # 1 ng Pangapat na Kwarter

Replektibong Sanaysay: Natatanging Karanasan Bilang Isang Mag-aaral.      Sa nagdaang labingapat na taon na ako'y nag-aaral, simula "nursery" hanggang ngayon ay maraming kakaibang karanasan ang aking naranasan. May masasayang karanasan, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon. Hindi lahat ng tao ay naranasang maging isang mag-aaral kaya nama'y ibabahagi ko ang ilan sa aking mga karansan habang ako'y nag-aaral.      Naalala ko pa noong ako'y nasa elementarya, ako'y tampuhan ng kutsa. Hindi talaga maiiwasan ang mga ganitong karanasan habang ako'y nagaaral kaya ang payo ko sa mga nakakaranas ng diskriminasyon sa paaralan ay dedmahin na lamang ang mga ito at ipagpatuloy na lng ang kanilang dapat gawin. Dahil magiging sagabal lamang sila sa iyong pag-aaral kung papatol ka sa kanila.      Noong ako'y nakatungtong na sa sekondarya, mas marami pa akong naranasan, dahil dito nagsimula ang aking pagkamulat sa mga nangyayari sa ak...

OP # 7 ng Pangatlong Kwarter

Imahe
Posisyong Papel      Noong nakaraang taon lamang ay nagkaroon ng isang insidente kung saan nagkaengkwentro ang mga mangingisda ng Vietnam at Philippine Navy. Sang ayon ako sa ginawang aksyon ni pangulong Rodrigo Duterte sa mga mangingisda ng Vietnam. Pinauwi niya ang mga ito at pinauwian pa ng mga pagkain para sa kanilang mga pamilya. Nagsalita ang Vietnamese Ambassador tungkol dito at sinabi na ang aksyon ni Pangulong Duterte ay maghahatid ng ligaya sa kani-kanilang pamilya. "Habang buhay nilang maaalala ang magandang pagtanggap na ipinakita ng Pilipinas sa kanila", tugon ng pangulo.